na nananaman
12 Enero 08
Nawalan na naman ako ng cellphone.
At ang masakit doon, biglaan na naman. At kagabi at ngayon ko lang na naman nare-realize ang epekto. Siyempre masakit. Magpapalit na naman ako ng cel kung kailan medyo nagiging close na kami nitong cel kong nawala na nga. Gamay ko na kasi ang cel ko e. Alam ko na ang mga sumpong nito. Tapos ngayon, ano? Panibagong cel na naman? Kasi kailangan e. Wala namang magawa.
Bakit kaya ganon?
Ang naiisip ko tuloy, life is but a series of loss. Life is all about coping with loss. How you deal with it.
Pero hello, you win some you lose some. Hindi naman laging nawawalan ka. At katulad ng batas ng kalikasan, kapag may nawawala, may dumarating.
Pag may napipigtal na dahon, may tumutubong bago. Kapag may nahuhulog na bunga, may susulpot na bago. Kung may paalis na alon, mayamaya lang ay mayroon din namang darating.
Hay. I guess this, writing about loss, is my way of coping.
January 27th, 2009 at 7:55 pm
uy nakarelate ako bigla, naholdup na naman ako (for the 4th time in 2 years) last wednesday. Tinangay ang celphone ko. Buti na lang mumurahin ang phone dahil nga sanay na akong nawawalan at salamat na lang at nakaline ako so same number pa rin. Ingat tayo palagi!