usapang sapatos part 2
kakabasa ko lang ng mga luma kong post sa blog. naisip ko bitin pala yung usapang sapatos. ano na nga ba ang nangyari sa pinangarap kong sapin sa paa?
wala.
hindi ko ito nabili. nang bumalik ako sa itti, wala na ito.
totoo. maski ako hindi makapaniwala. ang simple ng disenyo, imposibleng mawalan sila ng stock na ganun.
pero totoo. wala na nga. kapag napapadayo ako sa mga mall, chinecheck ko kung may itti shop doon. at kung meron, pumapasok ako. atiniisa-isa ang mga nakadispley na sapin sa paa. wala na talaga ang design na iyon.
so hindi ko ito nabili. siyempre nanghinayang ako. pero hindi naman ako masyadong nalungkot. sa tagal kong naghanap ng sapin sa paa, marami akong nakitang kamukha ng nagustuhan ko. yun nga lang mas mahal.
finally, pagkatapos ng delaying tactics ko, at sa gitna ng mas malalaking problema at paggawa ng mas mahahalagang desisyon sa buhay, binili ko ang sapin sa paa na inaasahan kong magpapasaya sa akin.
binili ko ito kasama ang isang taong mahalaga sa buhay ko. dalawa ang pinagpilian namin. isang makulay na sandalyas (bagay daw sa personalidad ko) at isang sandalyas na brown at itim. yun ngang kamukha ng nasa itti. nang sukatin ko yung makulay, medyo lumitaw-litaw ang bukol sa aking paa. siyempre napa-oh no ako.
nang sukatin ko yung mas simple, hindi siya maganda, hindi rin pangit. tama lang. pero dahil pagod na ako sa mga sarili kong delaying tactics, binili ko na ito.
isang araw lang ako naging masaya. paano, masakit pala sa paa! sabi ko na nga ba. been there, done that.
isa sa mga dahilan kung bakit super tagal akong pumili ng sapin sa paa e dahil alam na alam kong may posibilidad na masaktan lang ako. at minsan, hindi ko na natitiis ang sakit, inaabandona ko na ang sapatos o sandalyas na matagal ko ring pinagnasaan o pinag-isipang bilhin.
sa ngayon, pinanghaharabas ko ang naturang sandalyas. yun ang gamit ko sa mga lakad at pagpasok at paglabas ng unibersidad. sa klase, closed shoes ang gamit ko.
napagtiisan ko naman yung sakit sa paa kapiling ng sandalyas kaya ngayon, hindi na ako masyadong umaaray.
hay.
siguro kung di ako nagpatumpik-tumpik na bilhin ang sandals sa itti, hindi ko na kailangang kumbinsihin ang sarili ko sa blog na ito na okey lang ang lahat.
October 20th, 2008 at 3:29 am
gano ka naman nakasisiguro na hindi sasakit ang paa mo sa itti? ni hindi mo nga sinukat. malay natin kung lalabas din ang mga luya mo sa paa pag sinuot mo yun. magpaa ka na lang! tapos sabihin mo, statement mo yun para sa mga taong hindi makabili ng sapin sa paa.
December 7th, 2008 at 7:20 pm
ikaw pala. maraming salamat sa pagbisita mo sa aking blog.
oo nga tama ka. hindi ko naman sinukat yung sa itti. pero sa tingin ko mas ok pa rin iyon kasi yun yung pinangarap ko. sakali mang hindi nga rin maging komportable ang mga paa ko roon ay malulungkot ako pero hindi kasinglungkot ng nadama ko sa sandals na kinabagsakan ko.
Ako rin naman ang naghangad doon sa sapatos sa itti samantalang doon sa isa, napilitan lang ako.
buhay nga naman, oo.
December 7th, 2008 at 7:24 pm
may mga bagay na talagang hindi dapat pinapakawalan. maluluma rin siya oo at balang araw masisira’t mawawala pero yung panahong magkasama kayong naglalakbay, hindi ito matutularan. bow.
December 7th, 2008 at 7:28 pm
eto pala buo kong pangalan: Ako Atang Akingtsinelas. =)
December 7th, 2008 at 9:10 pm
hi bebs,
mustasa na, si blue to aka b, talagang promote tayo ng itti hehehe. pasadya ka kaya para git na fit sa’yo. meron sa glorietta hehehe. update mo ko sa mga activities nyo.