tula ni EJ

Kalayaan ng Gabi at Araw

Araw gabi naghahanap
ng kalayaan. Sulatang mga
magang kamay. Bunot palay ang
ibong sugo. Mga baril na
nakamamatay. Mga kamay
na nagluluhang dugo. bolong
sugatan idinaan sa pagsulat.
Punong araw Punong gabi dahon
tila’y hagdan patungo sa ugat
ng kabutihan. Librong kalayaan
kasing tulin ng kidlat. Araw
na para maghanap ng kapayapaan
hanggang gabing takip silim

(walang dagdag walang bawas.
Wala akong inedit dito. pati ang putol ng mga linya
saka malalaking titik at bantas, as is.)

isinulat ito ni EJ noong 25 Pebrero 2008. Nang mabasa
ko ito, ganito ang Q and A (pasintabi kay dai
hahahaha)

bebang:       saan mo ‘to kinopya?
EJ:               gawa ko ‘yan, ma.
bebang:        ay, sori.

3 Responses to “tula ni EJ”

  1. bernard Says:

    wow. henyo.

  2. bebang Says:

    SALAMAT, b!

  3. janel :) Says:

    ang galing! :D haha! mana sa mommy! :)

Leave a Reply