para sa ‘yo

iniisip ko kung mali nga ba na pangarapin kong makatuluyan ka. masyado ka bang mataas? hindi ko nga ba kayang abutin ka? hindi nga ba tayo bagay? iniisip ko rin paano nga kung naabot kita at pagdaka’y nalaman ko, nalaman mo, na hindi pala ikaw ang pangarap ko. Hindi ba, masasaktan lang kita?

ang naiisip kong solusyon diyan, magpapatuloy na lang akong pangarapin ka. wala pang masasaktan. ‘yan, mas handa akong tanggapin at harapin iyan.

-Maya

Leave a Reply