noong huwebes

Sa kasagsagan ng trapik

sa Espana, sa dyip, sa gitna

ng mga pasaherong nag-aalala

kung makararating

nang sakto sa opisina’t eskuwela,

naroon ako.

Hinaplos-haplos ko

ang pangalan mong katabi

ng pangalan ko.

Sana lang makaabot

ang init ng palad at mga daliri

sa iyong mukha.

Kanina iyon, mga alas-siyete ng umaga. May naramdaman ka ba?

Leave a Reply