Marami akong nabasang aklat ngayong sem. nakakatuwa kasi ang filipinana section ng UST central library. nahihipo mo ang mga aklat. hindi katulad sa UP, kelangan mo munang orderin ang mga aklat sa mga student assistant na nagmana sa mga librarian doon, masunget.
isa sa mga nabasa ko ngayon sem ay ang aklat na mayong ni g. abdon balde, jr. o mas kilala bilang ser jun.
wow grabe. pagkabasa ko noon, siya na ang bago kong idol sa fiction. hindi ko akalain na makakapagpabago ng pagtingin ko sa
fiction ang aklat niyang Mayong.
I was highly entertained at higit sa lahat, andami kong
natutuhan hindi lang sa kultura ng bikol kundi sa
techniques ng pagsusulat ng fiction.
very poetic ang wika niya. nakakainggit. kasi ako, pagkabasa ng mga napublish kong mga akda, ngayon ko lang na-realize na wala na yata akong pag-asang maging poetic. kahit ang fiction ko, hindi madulas ang wika. siya, ganon.
at kahit sa tingin ko medyo luma minsan ang wika sa ilang mga kuwento niya ay bagay na bagay naman sa paksang tinatalakay.
Nakakainggit din ang roller coaster ng emotions na nakapaloob sa bawat kuwento. me action, me mystery, me drama. sa isang kuwento pa lang yan, ha? so parang halo-halo na sa buong aklat.
walang boring na moment at isa lang ang ibig sabihin nun, kaya niyang magsalaysay sa anumang genre ng fiction.
ang galing-galing talaga ni Sir Jun! gusto ko sanang ipabasa ito sa mga estudyante ko kaya lang sigurado akong hindi pa nila maappreciate ang wika. hindi katulad nung sa kagubatan ng isang lungsod (ang nobela niyang pinabasa ko sa mga estudyante ko, at siyempre nabasa ko rin), medyo upbeat pa ang wika.
isa pang nagustuhan ko sa mayong ay ang pagsasanib ng noon at ngayon. ng alamat at ng realidad. ng mundo at ng mga elemento, ng iba pang nilalang bukod sa halaman, hayop at tao.
matagal ko nang nais pumunta sa bikol, sa mayon volcano. pero ngayon pagkabasa ko ng mga akda ni sir jun tungkol dito, parang gusto ko na bumili ng tiket at lumipad papuntang albay.
napakalaking bagay na nagsusulat si sir jun sa wikang
filipino. nakikilala ko nang husto ang kababayan ko at ang kultura nila sa dulo ng luzon.
Eto ang masasabi ko sa mga kuwentong ito:
kulakog-astig ang characterization
lumay-astig ang plot at time element (nakakagulat
talaga ang ending! akala ko mga hapon na film maker lang ang
gumagawa nitong paglalaro sa konsepto ng panahon)
kagsawa-kakaibang love story. punumpuno ng pantasya and at the same time, very touching. yung ending ay inilagay ko nga sa finals ng mga estudyante ko. parang pabaon kong mensahe sa kanila ngayong
malapit na ang bakasyon.(syempre nilagay ko na si ser jun ang lumikha noon)
pagtuga-point of view
maria marikdat-characterization
Para kay Ser Jun at sa iba pang manunulat mula sa iba’t ibang lalawigan, maraming salamat muli. lalo na sa
inspirasyon na magpatuloy, magsulat sa wika nating mahal.