Archive for October, 2007

bugtong at salawikain festival

Sunday, October 28th, 2007

Mga minamahal kong kaibigan,

Tiyak akong matutuwa kayo rito.

Pagkatapos ng finals week, ilang araw akong nagcheck
ng test paper nang tuloy-tuloy sa loob ng walong oras
kada araw. Dalawang tanong:

1. Bakit ko ginawa ‘yon?
Sagot: Me deadline kami sa pagcompute ng grades ng mga
estudyante (My gulay! 1st time kong maging guro at
ayoko sanang ma-late sa pagpapasa ng grades).
2. Bakit hindi ako naburyong sa pagkahaba-haba at
mekanikal na gawaing iyon?

Eto ang sagot. medyo mahaba-haba pero pagtiyagaan nyo.

Eto ang isa sa test items ko:

Magbigay ng salawikain na may pandiwa. Salungguhitan
ang pandiwa.

Eto ang mga sagot ng mga estudyante ko all caps,at
‘yong nasa loob ng parenthesis, e yung nasa isip ko
habang chine-check ko ang partikular na sagot na ‘yon.


ANG MARUNONG MAGSUKLI, MARAMI ANG SUKI.
(tamang
version)


ANG TAONG NAGBABALIK NG SUKLI AY MAY MARAMING SUKLI.

(ngek!)


KUNG MAY INANI, MAY AANIHIN.
(natural! Inani na nga e.
anu ba?)

(eto kakaiba) KAPAG NAGTITIYAGA AY MAY NILAGA. PERO
TALO NG NAGTITIYAGA ANG MASIPAG.
(e aling values diyan
ang gusto mo palabasin, iho?)

(eto pa isang version) DAIG NG MAAGANG PUMASOK ANG
MASIPAG.
(ay tangek, hindi lagi! maaga ka nga pumasok,
tamad ka naman)


TUMAKBO NANG MATULIN
(utusan daw ba ako?) KUNG MATINIK
AY MALALIM.


KAPAG MAIKLI ANG KUMOT, BUMALUKTOT.
(ano ‘ko,
alambre?)

ANG TAONG HINDI MARUNONG TUMINGIN SA PINANGGALINGAN AY
HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
(patay ka kay Rizal, bata.
Babangon ‘yon at dudurugin ka.)


ANG MAGARANG SASAKYANG PINASABOG AY GINAWA DAHIL SA
ISANG PELIKULA.
(aba, aba, salawikaing film ang
orientation?)


WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAINIT NA KAPE.
(nasa
pelikula ‘ata to,a!)

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO (ngi! salawikain ba to?

Mali

na, putol pa. ni hindi tinapos yung sentence. In
fairness, napasayaw ako ala-Donna Cruz)


PAPUNTA KA PA LANG, PABALIK NA AKO
(isa pa ‘to!
Naiimagine ko si FPJ nagbibitaw ng linyang ‘to. hahaha
siyanga pala naisip ko, isang test para malaman
kung isa nga itong salawikain o kasabihan, bigkasin
ito katulad ng pagbigkas ng little miss Philippines
candidate. Ready? 1, 2, go! I am aiza seguerra. I am 3
years old. May kasabihan po tayo. PAPUNTA KA PA LANG,
PABALIK NA AKO. I thank you. Bow.


ANG BUHAY AY ISANG BOLA NA UMIIKOT. MINSAN IKA’Y NASA
TAAS. MINSAN, IKA’Y NASA BABA.
(okey, okey.
Puwede…puwede…PBA-inspired lang naman, bakit ba? Pero
di ba dapat, gulong?)


ANG MUNDO KO’Y HUMIHINTO PAG KASAMA KA.
(eto talaga
salawikain mo o nililigawan mo ako, iho?)

(eto malupit. Pag ginawa itong motto ng sambayanang
Pilipino, patay tayo!) HUMAYO KAYO AT MAGPAKARAMI!
(amen?)

ANG MARUNONG LUMINGON SA EXAM, SINGKO NA MALAMANG.
(Dis, ay layk! Hahahaha! Bagong salawikain about
honesty deva?)

KUNG WALA KANG MASASABING MAGANDA, WAG KA NA LANG
MAGSALITA. (antaray mo, ineng. Pumarine ka, tulungan
kitang ibaba kilay mo.)

KUNG SINO ANG PUTAK NG PUTAK, SIYA ANG PUTOK NANG
PUTOK. (Dis, ay layk din! Hahhahaha. Ipadala ko kaya
to sa nanay ko, ang dakilang putakera?)

MAGLINIS

PARA

MAGING MALINIS ANG PALIGID.
SMILEY.
(WALA AKONG ALAM E.) (ha? E, Grade 1 hanggang 4th year
high school tinututuro ni teacher ‘yan e. magtatampo
yon, wala ka man lang nakabisa kahit isa.)

(eto, sigurista. Dalawa sagot niya eto>>>) AANHIN PA
ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO? (at saka eto >>>)
HUWAG ISUSUKAT ANG DAMIT PANGKASAL KUNG HINDI AY HINDI
MATUTULOY ANG KASAL. (salawikain, hindi pamahiin!!!
pano ba bibigyan ng points ang ganitong bata?)

speaking of kabayo. Me bago nang version. AANHIN PA
ANG DAMO, KUNG NAGLULUTO NA ANG KABAYO? (ansarap
bigyan ng points ito. pang-encantadia ang imahinasyon
e.)

TUMALON PAG NEW YEAR

PARA

TUMANGKAD.
(haaaaaaaaaaaaaay. Friends, napatayo ako at napatalon
pagkabasa nito.)

KUNG KAYA NG IBA, IPAGAWA MO SA KANILA. (ay putek.
Nalaglag sa dyip ang magandang asal ng batang ‘to, a.)

ANG LALAKING GIPIT, SA BAKLA KUMAKAPIT. (isa pa ‘to.)

(Eto, pang little miss

Philippines

>>>).
KUMAIN NANG
KUMAIN

PARA

DI PATPATIN. (I thank you. Bow.)

MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAGPAKAGAT SA AHAS. (salawikain
ba to? e, asan diyan ang ginintuang aral? Ha? ipalapa
kita diyan sa anaconda e)

O, mga minamahal kong kaibigan, nag-enjoy ba kayo sa
salawikain part ng blog entry na ‘to?

Bugtungan naman! Chinecheck ko ang bugtong part ng
test pag madaling araw. Nakakawala ng antok, e.
Promise.

Eto test item ko: Magbigay ng bugtong na may
pangngalan. Salungguhitan ang pangngalan.

Tunghayan natin ang kanilang mga isinulat na bugtong.
Weeeeeeeeeeeeee….

SINTURON NI IPE, HINDI MAHULI-HULI. (hmm….ahas!!! tama
ba?)

ISANG BALON, PUNONG PUNO NG KARAYOM. (ngiyak. Baka
dito galing si sadako. Dapat isang balong malalim,
puno ng patalim.)

BATA PA SI NENE, UMAAKYAT NA NG KISAME.

Eto naman. Hindi raw tao hindi rin daw hayop

HINDI TAO, HINDI HAYOP PERO APAT ANG PAA. PERO WALA SA
KALSADA. (hahahaha ang defensive nung last phrase
hahahaha …..teka ano sagot? mesa?)

ITO AY HINDI TAO O HAYOP NGUNIT NAGSASALITA. (dami
kaya? Robots na movie, manikang umuuha at nagsasabi ng
mama, mama, transformers, puma ley ar, electronic
dictionary ng mga koreano, kokey)

HINDI TAO, HINDI HAYOP, NASUSUOT LAHAT NG DAMIT PATI
RIN SA HARI. (hay. Hirap na hirap ang loob ko sa
pagbasa ng bugtong na to. Feeling ko kasi nagmental
gymnastics talaga siya, mabuo lang ang bugtong.)

HINDI TAO, HINDI HAYOP, HINDI BAGAY PERO NARARAMDAMAN
NATIN. (krisis ang sagot ko, kayo?)

HINDI TAO, HINDI HAYOP PERO IMPORTANTE ( Dami kaya?)

AKO AY NAKIKITA MO PERO KAPAG TINAKOT MO AKO, MAWAWALA
AKO. (sagot, drug pushers?)

Eto, mababantot na bugtong: HINDI TAO, HINDI BAGAY,
TUMATAE NG SINULID. (hmmpphh…)

HINDI TAO, HINDI HAYOP NGUNIT ITO’Y NAGKAKALAT NG
MADUMI. (ballpen daw ang sagot.)

HETO NA SI ANA, ANG MARAMING MATA. (ngii…nakakatakot
si ana. Naiimagine n’yo rin? freak show itoh!)

MARAMING MATA ANG PRUTAS NA PIÑA. (e ba’t mo sinabi
sagot?)

NAGTAGO SI KIKO, NAKALABAS ANG ULO. (evolution ng
pangalan ha. nung bata ako si pedro ang nagtatago e.)

ANG UPUAN NA WALANG HALAGA, HINDI MAIBEBENTA. (Bugtong
ba ‘to?)

SI PEDRO ANG NAUNA AT AKO ANG NAHULI. (nyaaa! Eto
rin?)

Korek version: DALAWANG BOLANG ITIM, MALAYO ANG
NARARATING.

Sabi ng estudyante ko:

DALAWANG BULA, MALAYO ANG NARARATING.

(bula ng tide powder?)

(ngayon ko lang narinig ang isang to!)ISANG SINULID,
ABOT HANGGANG LANGIT.

Madaling sagutin ang mga sumusunod:

SIYA AY TULOG SA UMAGA NGUNIT GISING SA GABI.
(taga-call center?)

MERON AKONG ISANG KAIBIGAN, NAGPAPAKITA SIYA PAG
MERONG LIWANAG. ANO ITO? (fair weather friends.
Korek?)

BATA PA SI NENENG, GUMAGAWA NA NG SARILING BAHAY. (oo
naman. Ang sagot, si neneng na nagbabahay-bahayan! Di
ba?)

Wholesome ba ang mga bugtong na to? Or green minded
lang talaga ako?

KAPAG SIYA’Y DUMAAN, NABIBIYAK ANG KAGUBATAN.

DALAWANG HARI, LABAS PASOK SA KUWEBA.

DUMAAN SI TARZAN, BUMUKA ANG DAAN.

BUHOK NI ADAN, DI MABILANG-BILANG. (hmm….. pero
teka….e kahit kaninong buhok yan, pare, kahit sa baby,
hindi naman yan nabibilang!!! )

BASTON NI JUAN, HINDI MAHAWAK-HAWAKAN.
(conservative e… bakit ba?)

HETO NA SI CACA, BUBUKA-BUKAKA. (At sino naman si
caca? Mestiso, ha?)

Pero mas masagwa naman ang mga to HETO NA SI MARIA (at
katabi pa niya si Maria), BUBUKA-BUKAKA!

AYAN NA SI NENE (paparating pa lang), BUBUKA-BUKAKA!

ETO NA SI MARIA, PUNO NG KAKA! (susmaryosep)

bugtong nina Juan, tarzan, superman. Dami version
nito. tingnan nyo.

DUMAAN SI JUAN, NASIRA ANG DAAN.

DUMATING SI TARZAN, NAGIMBAL ANG BAYAN. (ano kaya ang
ipinakita ni Tarzan na ikinagimbal ng bayan?)

DUMATING SI TARZAN, NAMATAY ANG KALABAN. (parang James
bond ano?)

NAGDAAN SI TARZAN, ANG LAHAT AY NASIRA. (tsunami?)

DUMAAN SI TARZAN, NAWASAK ANG DAAN. (DPWH?)

DUMAAN SI SUPERMAN, NAGUHO ANG DAAN. (eto rin! DPWH?)

DUMAAN SI SUPERMAN, NAHATI ANG DAGAT. (Moses, ikaw ba
yan?)

TUMALON SI BATMAN, NAHULOG SI ROBIN. (disturbing na
bugtong. ano ba pinahuhulaan dito?)

DUMAAN SI BATMAN, NAHATI ANG DAAN. BUMALIK SI ROBIN,
NAAYOS ANG DAAN. (bugtong sabi ko. hindi nobela…..
anak ng…)

Eto korek na version ng bugtong: BUTO’T BALAT
LUMILIPAD. (saranggola!)

Eto bugtong ng ibang estudyante ko:

BUNTOT BALAT LUMILIPAD.

(ahahahahah……kulet!!! though naluha ako sa kakatawa
rito, naisip ko puwede naman a di ba? saranggola pa
rin ang tinutukoy.)

pero eto ang mas malupit, durog durog baga ko sa
kakatawa dito:

BALAT SIBUYAS NA LUMILIPAD.

(naimagine ko yung kapatid kong iyakin, pinapalipad sa
ere me pisi sa puwet parang saranggola. Weeeeeeeeee!)

eto korek na version: BATA PA LANG SI NENE, MARUNONG
NANG MANAHI. Sagot? Gagamba!)

e new millenium na….

BATA PA LANG SI PEPE, MARUNONG NANG MANAHI.
(gender-sensitive na bugtong hahaha….e ang sagot?
Gender sensitive din. Gagamboy!)

Eto korek na version: ISANG PRINSESA, NAKAUPO SA TASA.

Eto sinulat ng ibang estudyante ko:

PRINSESA, NAKAUPO SA TASA. (ang huhulaan, kung sino
ang prinsesa? Hahahaha saka parang headline sa diyaryo
di ba?)

REYNA NA NAKAUPO SA TASA. (ibang level ka, kapatid.)

At ang hindi kinaya ng powers ko>>>

ITO’Y ISANG MUSTASA, NAKAUPO SA TASA. (putcha, riot!)

Eto ampangit kasi ng sulat kaya ang unang basa ko e,
ISANG PRINSESA, NAKAUPO SA TAXI. (nagising talaga ako
sa isang to)

Mga kaibigan, dahil mayabang ako, sabi ko sa mga
estudyante ko, wag na nila ilagay ang sagot sa mga
bugtong na isusulat nila dahil tiyak akong alam ko na
ang mga ito. pero nagkamali ako. andaming bugtong ang
di ko alam ang sagot. Buti na lang nilagay ng
estudyante ang sagot. Heto:

KALAMAY NG HARI, HINDI MAHAHATI. (tubig daw ang sagot)

DUMAAN SI TARZAN, NANAHIMIK ANG LAHAT. (Utot.
Prrrooooooooot!)

ISA ITONG PRINSESANG NAKAUPO SA TRONO (di ba pinauupo
talaga ang prinsesa sa trono? Tama ba ako? anyway, ang
sagot daw ay makopa. Ano kaya yung prinsesa sa
makopa?)

IKOT NG TENGA, SUKA’Y MASUSTANSIYA. (galing nito. ang
sagot, gripo!)

SI CARTER AY MAY APAT NA BUTAS AT ISINUSUOT. (endorser
ka, iho? Hahahaha) ang sagot ay t-shirt.

DALAWANG BINTANA NI PEDRO KAPAG UMAGA’Y NAKABUKAS,
KAPAG GABI’Y NAKASARA. (mata!)

ISANG BARKONG NAGLALAKBAY, LAHAT NEGRO ANG NAKASAKAY.
(papaya raw!)

Pero meron ding walang sagot. Kaya sige na, ipadala
nyo sa akin ang mga sagot sa mga bugtong nila.

NANGANAK SI NENE, ITINAPON ANG LAMPIN.

PAG KINALABIT NI TATAY, TATALSIK SI NANAY. (ano kaya
to? aa…..baril? Teka human at women’s right violation
‘to, a.)

AKO AY MAY TATLONG KAMAY NGUNIT WALANG PAA. ANO AKO?
(hirap naman….)

LIMANG MAGKAKAPATID, NATUTULOG SA ISANG BANIG.

MERON AKO NITO PERO PAG SINABI KO ITO, WALA NA AKO.
ANO ‘YON? (ano nga?)

ESPADA NI JUAN, NAKATUSOK SA BUWAN. (ganda ng image
ano? si juan maaaring nakarating sa buwan o kaya
palaban si juan)

Medyo mahihirap na bugtong:

ISANG MALAKING MANGKOK SA CUBAO. (shet sori, eto
talaga yung bugtong na sinulat niya e)

ROMEO, ROMEO, ASAN KA ROMEO? (haaay…walang clue?)

HINDI TAO HINDI HAYOP NGUNIT (hmm…wala ring
clue?)

KAPAG MAY SAMPUNG PIGEON (sosi ka, pigeon ha?
pagsusulit kaya sa Filipino to.) SA PUNO AT BINARIL MO
ANG ISA, ILAN ANG MATITIRA? (hmm….kelangan pa bang
imemorize yan?)

At pinaka-intriguing. Ano nga ba sagot sa bugtong na
‘to:

AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO?

magandang araw sa inyo!